Sunday, December 6, 2009

Pag nasaktan ka ibig sabihin magbago ka na




Minsan kapag nasaktan tayo ng taong sobra at lubos nating minahal, namamayani sa puso't isip natin ang galit. Ang paghihiganti ang pag iisip na tayo ang api, nabubulag tayo sa emotional feelings natin.

Kapag nasaktan ka hindi ibig sabihin nun ay wala kang mali, wala kang dapat baguhin.

Minsan nakikita natin ang mga bagay na impossible or hinanap natin para bigyan kasagutan ang pangungulila natin sa isang tao pero bago natin hanapin ang kasagutan harapin muna natin ang sarili natin at itanong bakit ba ako nasaktan, bakit nya ko iniwan o bakit nya ko pinalitan.

Pakinggan mo ang sarili mo at subukan mong magbago..saka mo hanapin ang kasagutan dahil makita mo man ang sagot pero di ka pa rin nagbabago mawawalan ng saysay ang paghihirap mo

Kung gusto mo na mahalin ka ng taong mahal mo,mahalin mo muna ang sarili mo para may kakayahan kang ibahagi ang pagmamahal na yan sa taong mahal mo